Aklan News
WANTED, INARESTO HABANG UMA-ATTEND NG HEARING

Published
1 year agoon

Kalibo – Arestado habang nasa court hearing ng sariling kaso ang isang lalaking wanted din pala sa kasong Attempted Theft o pagnanakaw.
Sa joint operaration ng Aklan PNP Trackers team at Balete PNP, naaresto ang akusadong si Jemar Magbanua Elera, 33 anyos na tubong Bacolod City, Negros Occidental at kasalukuyang residente ng Oyotorong St., Riverside, Kalibo.
Sa bisa ito ng Warrant of Arrest na nilagdaan at ibinaba ni Hon.Bienvenido P.Barrios, Presiding Judge RTC 6, Branch 3, Kalibo na may petsang April 11, 2017.
Kaugnay nito pansamantala siyang ikinustodiya ng Balete PNP para sa karampatang disposisyon.
Samantala bagama’t tumanggi nang idetalye pa ni Elera ang tungkol sa kanyang kasong dinidinig, sinabi nitong pinagbintangan lamang siya noong 2015 sa kasong pagnanakaw sa Balete.
Inirekomenda ng korte ang P4,000.00 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
You may like
-
MGA KALIBONHON, WALANG DAPAT IKABAHALA SA BAKUNA – MAYOR LACHICA
-
24 HOUSING UNITS, NAIBIGAY NA SA MGA NABIKTIMA NG YOLANDA SA KALIBO
-
4 KATAO KABILANG ANG 1 MENOR-DE-EDAD, KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL
-
RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, PATAY
-
COVID CASES SA KALIBO, TUMAAS NA NAMAN
-
3 SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE SA KALSADA