Connect with us

Aklan News

ESTUDYANTE, GINAHASA UMANO NG KAKLASE

Published

on

Kalibo, Aklan – Isang 18-anyos na dalaga ang ginahasa di umano ng kanyang kaklase dakong alas-11 kagabi sa may Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo.

Ayon sa report sa Kalibo PNP, nakipag-inuman ang biktima kasama ang 21-anyos na kaklase ngunit hindi nakauwi ang biktima kaya’t hinanap siya ng kanyang nobyo at ina.

Sa paghahanap ay nahuli nila sa akto ang dalawa na nakahubad at nagtatalik.

Dahil dito tumawag sila ng pulis at ipinaaresto ang 21-anyos na lalaki.

Sa panayam naman ng Radyo Todo sa suspek, sinabi nito na hindi niya pinilit ang babae na makipagtalik sa kanya at kusa di umano itong sumama sa kanyang boarding house.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Kalibo PNP station para sa karampatang disposisyon habang patuloy pang iniimbestigahan ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *