Connect with us

Aklan News

BINATANG TULAK NG MARIJUANA, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Published

on

BINATANG TULAK NG MARIJUANA, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION
Arestado sa buy bust operation alas 6:35 nitong gabi sa Archbishop Gabriel M.Reyes St., Poblacion, Kalibo ang isang binatang nagbibenta umano ng Marijuana.
Nakilala ang suspek na si Jose Benuelle Teodosio Delgado,,18 anyos ng 32 Rosal St., Andagao, Kalibo.
Sa nasabing buy bust operation ng Aklan PDEU na pinangunahan ni Police Major Frensy Andrade, PDEA Aklan at Kalibo PNP, narekober mula sa suspek ang isang plastic sachet ng suspected dry Marijuana leaves kapalit ng P3,000.00 na buy bust money.
Ayon kay Andrade, mahigit isang buwan na umano nilang sinubaybayan ang suspek matapos umanong ‘ikanta’ ng mga dati ring na buy bust ng marijuana, na nagresulta naman sa matagumpay na buy bust operaration kanina.
Kaugnay nito, kaagad inaresto ang suspek at pansamantalang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng RA 9165 na isasampa laban sa kanya.
Hindi na nagbigay ng anumang pahayag ang suspek tungkol sa akusasyon sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *