Connect with us

Aklan News

NAGNAKAW NG 2.7 MILLION PESOS, KAKASUHAN DIN NG RAPE

Published

on

Kalibo, Aklan – Mahaharap sa patong-patong na kaso si Jerryl Nabor, ang ampon na nagnakaw ng P2.7M ng negosyanteng kumupkop sa kanya.

Ito ay matapos mapag-alaman na bago ito tumakas bitbit ang ninakaw na pera ay pinagsamantalahan nito 11-anyos na anak ng biktima.

Maliban dito ay naglakas loob na rin na magsumbong ang 16-anyos na anak ng biktima na ilang beses na siyang pinagsamantalahan ng suspek.

Hindi naman itinanggi ng 24 anyos na suspek na nagalaw niya ang mga biktima.

Ayon kay Police Corporal Charlene Francisco ng Kalibo PNP, nakatakda nilang sampahan ngayon ang suspek ng kasong statutory rape si Nabor sa pamamagitan ng regular filling sa Aklan Prosecutors Office.

Ipasasailalim naman ang mga bata sa medical examination at hinihintay na lang ang resulta nito.

Magugunitang nitong sabado ay lumayas ang suspek tangay ang P2.7M cash at mga alahas ng misis na nag-alaga sa kanya simula ng 13 taong gulang palang siya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *