Connect with us

Aklan News

DALAGA, DINUKOT, BINUGBOG AT NINAKAWAN NG 3 KATAO

Published

on

Kalibo, Aklan – TINABUNAN NG SAKO sa ulo, ikinarga sa motor, nilublob sa ilog, sinugatan sa braso at kinunan ng pera ang isang 18 taong gulang na babae ngayong gabi sa Brgy. Tigayon ng bayang ito.

Ayon sa salaysay ng di na pinangalanang biktima sa kapulisan, papauwi na sya sa kanilang bahay at pagbaba nya sa traysikel sa may waiting shed ay may dalawang babae at isang lalake na nag abang sa kanya at agad syang tinakluban ng sako sa ulo.

Ikinarga sya sa motorsiklo at dinala sa tabing ilog at inilublob ang kanyang ulo.

Hiniwaan ng matalim na bagay ang kanyang mga braso at sinuntok sa tagiliran.

Nakatakas lang ang biktima matapos nyang kagatin ang kamay ng isa sa mga suspek hanggang siya ay nakatakbo papalayo.

Nagtago diumano sya sa mga kakahuyan at ng mapagtanto na walang nakasunod sa kanya ay doon na sya lumabas at nakauwi sa kanilang bahay.

Pinaniniwalaan na isa sa mga motibo ng mga suspek ay ang paghold up dahil kinuha ng isa sa mga suspek ang kanyang 500 pesos.

Agad namang nagsagawa ng follow up investigation ang Kalibo PNP sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *