Connect with us

Aklan News

60MM MORTAR, NAKITA SA JUNK SHOP

Published

on

Kalibo, Aklan – NATAGPUAN ng may ari ng isang junkshop sa C. Quimpo street, Poblacion Kalibo ang isang 60mm mortar bomb bandang alas 4 kaninang hapon.

Pinaniniwalaan ni Alexander Rodillas, may ari ng Rodillas junkshop, na naibenta sa junkshop nya ang nasabing pampasabog ng hindi na nakilalang lalaki.

Agad nya itong itinawag sa Kalibo PNP kung saan nagpatulong din sa Explosive and Ordnance Disposal/K9 unit ng Regional Police Office 6 na naasign sa Aklan Provincial Police Office.

Agad na nagsagawa ng matagumpay na Render Safe Procedure sina PEMS Vengie Repedro, PSMS Genesis Reynado at PSSG Ronald De Tomas at dinala sa Aklan PPO ang nasabing bomba.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *