Connect with us

Aklan News

PRESO SA AKLAN PROVINCIAL JAIL, NAKATAKAS

Published

on

Kalibo, Aklan – NAKATAKAS ang preso, na may kasong rape, sa Aklan Rehabilitation Center.

Ito ay kinilalang si JR Isuga Ruiz na may kasong rape at may Criminal Case number 196-00423.

Kwento ng prison guard na si Bernabe Aquino sa Kalibo PNP, bandang alas 5:40 ng hapon kahapon ng matuklasan nilang nakatakas si Ruiz sa likurang pader ng provincial jail sa Nalook, Kalibo.

Tumakas ito habang may ginaganap na religious activity sa ARC.

Dahil dito, itinuturing nang pugante si Ruiz at mapanganib para sa publiko at patuloy pa siyang pinaghahanap ng mga otoridad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *