Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, NABANGGA NG TRAYSIKEL NA MAY DALANG PASYENTE, 2 SUGATAN

Published

on

Numancia – Dalawa ang sugatan matapos mabangga ng traysikel na may dalang pasyente ang isang motorsiklo bandang alas 9:30 kagabi sa Poblacion, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Vincent Quadane Custodio, 29 anyos ng Tugas, Makato na driver ng motorsiklo, at Diane Valencia Nerval ng Poblacion, Numancia na pasahero naman ng trisekel na minamaneho ni Edgar Nagor Ramos, 54 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, papuntang Makato ang nasa impluwensya umano ng alak na si Custodio nang mabangga ng traysikel ni Ramos na papunta namang Kalibo upang ihatid sa ospital ang kanyang pasyenteng kapatid na si George.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga nasabing biktima na kaagad dinala sa ospital.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Numancia PNP ang driver ng traysikel para sa karampatang disposisyon, subalit pinalaya na kaninang umaga matapos ang 12 oras na reglamentary period.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *