Connect with us

Aklan News

APAT, SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO

Published

on

Photo credit to MRDDMO Kalibo

Kalibo, Aklan – Apat ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo bandang alas 7:20 kagabi sa Caano, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Jozon Tolentino Dela Cruz, 33 anyos ng Nalook, Kalibo na siyang driver ng motorsiklo; pasahero niyang si Crisin Mae Ruiz, 28 anyos at 2 taong gulang niyang anak ng New Buswang; at ang nakabanggaan nilang driver ng motorsiklo na si Jimmy Valdez Garcia, 18 anyos ng Cabugao, Altavas.

Base sa imbistigasyon ng pulis, galing sa interior-Nalook papuntang mainroad sina Dela Cruz nang makabanggaan umano nila si Garcia.

Reulta, parehong sumemplang sa kalsada ang kanilang motorsiklo dahilan na nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga nasabing biktima.

Kaagad silang dinala sa provincial hospital kung saan sila ginamot.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *