Connect with us

Aklan News

2 KALABOSO, DAHIL SA ILIGAL NA PAMUMUTOL NG KAHOY

Published

on

Makato, Aklan – Kalaboso ang inabot ng dalawang lalaki dahil sa pagputol ng puno ng niyog na walang permit sa Sitio Hagakhak, Baybay, Makato.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Jover Zubiaga ang mga suspek na sina Reynold Trance Talislis, 40 anyos ng Baybay, Tangalan at Roque Macaraeg Reyes, 33 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa pulis, kaagad nilang pinuntahan ang lugar matapos makatanggap ng impormasyon na may pumuputol umano ng puno ng niyog sa lugar bandang alas 10:40 kaninang umaga

Kaagad silang hinanapan ng permit ng mga pulis, subalit wala silang naipakitang permit mula sa PCA o Philippine Coconut Authority rason ng kanilang pagkakaresto.

Kaugnay pa nito, kinumpiska ng mga pulis ang may kabuuang 112 board feet na coconut lumber na nagkakahalaga ng P784.00 mula sa isang na-chainsaw nilang puno.

Kaagad din silang inaresto at ikinustodiya sa Numancia PNP para sa karampatang disposisyon.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 10593 ng Philippine Coconut Authority.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *