Connect with us

Aklan News

NAGNAKAW NG 2.7 MILLION PESOS AT ALAHAS NG AMO, ARESTADO

Published

on

Kalibo, Aklan – “NASILAW AKO”. Ito lang ang binitawang salita ng suspek na si Jerry Nabor matapos syang maaresto ng kapulisan dahil sa pagtangay ng 2.7 Million pesos at mga alahas ng kanyang amo.

Pasado alas 3 ng madaling araw kanina nang lumayas sa bahay nang pamilyang nag aruga sa kanya ang suspek dala ang nasabing halaga.

Ayon kay Arlyn Cabugagan, 15 taon nang nasa kanilang pangangalaga ang ulilang si Jerry at halos itinuring na nila itong anak at pinagkakatiwalaan.

Alam din diumano nito na nasa drawer na walang kandado at nasa sala lang ng kanilang bahay ang nasabing pera at alahas.

Ito rin ang itinuturong dahilan ng suspek kung bakit sya natuksong nakawin ito kagabi.

Matapos madiskubre ni Arlyn na nawawala si Jerry at ang kanyang pera ay agad itong nagsumbong sa Kalibo PNP.

Ikinasa ng kapulisan ang manhunt operation at nalaman sa facebook messenger ng suspek na plano nitong makipagkita sa kanyang kapatid sa Metro Manila.

Kaagad silang humingi ng tulong sa Malay PNP para bantayan ang suspek sa Caticlan.

Pasado alas 8 ay naabutan nila itong nasa pre-departure na ng Jetty port at naghihintay na lang na sumakay sa barko ng 2Go patungong Batangas.

Agad nila itong kinuha at dinala sa sub station sa Caticlan at hinintay ang operatiba ng Kalibo PNP at ang biktima.

Pagdating ng mga ito ay doon na nila binuksan ang bag ng suspek at tumambad ang pera na umabot na lamang sa 2,621,000 pesos.

Matapos ang inventory ay agad namang bumalik sa Kalibo PNP ang grupo at inihanda ang kaso laban kay Nabor.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *