Connect with us

Aklan News

MISIS NINAKAWAN NG P2.7M CASH AT MGA ALAHAS, SUSPEK KANYA RING KASAMBAHAY

Published

on

Kalibo, Aklan – Ninakawan umano ng P 2.7 na pera ang isang misis sa Sitio Tapo-tapo, New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang misis na si Arlyn Olbidincha Cabugtan, 53 anyos ng nasabing lugar at ang itinuturo niyang suspek na si Jerryl Nabor, 28 anyos na napag-alaman lamang niyang taga Madalag.

Sa inisyal na report, nadiskubre na lamang umano ng misis na nawawala na ang nasabing pera na mula sa ibinenta niyang lupa sa Davao.

Kasalukuyang iniimbistigahan ng Kalibo PNP ang insidente habang hindi na matawagan ang cp number ng suspek na patuloy pang hinahanap ng mga pulis.

Napag-alamang labas-pasok sa bahay ng biktima ang suspek na itinuturing na umano nilang pamilya.

Nabatid na gagamitin umano sana ng may-ari ang pera sa para ipa-renovate ang bahay nila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *