Connect with us

Aklan News

KOTSE VS MOTOR NAGSALPUKAN, ISA NASAWI

Published

on

Photo| Josedel Fuentes

Numancia, Aklan – Isa ang nasawi habang nagtamo naman ng pasa ang isa matapos magsalpukan ang isang kotse at motor sa highway ng Brgy. Tabangka, Numancia.

Naisugod pa sa ospital ang 22 anyos na biktimang si Omar Tabiolo Cortez, ng Mantiguib, Makato subalit kaninang umaga lang ay binawian ito ng buhay sa ospital.

Sa imbestigasyon ng Numancia PNP, mula ang biktima sa Makato padireksyon ng Numancia ng makasalpukan nito ang kasalubong na minamaneho ni Romuel Isanan Pamatian, 48 anyos, ng Cayangwan, Makato.

Sa lakas ng pagkakabangga, wasak ang unahang bahagi ng kotse at sira ang motorsiklo.

Boluntaryo naman na sumuko sa kapulisan ang drayber ng kotse.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *