Aklan News
FISH VENDOR, BALIK KULUNGAN MATAPOS MAHULI SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION.

Published
1 year agoon

Tapaz, Capiz – Arestado ang isang fish vendor sa isinagawang buy bust operation sa magkasanib na pwersa ng Tapaz MPS Station Drug Enforcement Team (SDET) na pinangunahan ni PCAPT Bryant F Fallera kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na pinangunahan ni PLTCOL Julius Balano sa Brgy. Switch Tapaz, Capiz.
Nakilala ang suspek sa kay Franklin Aguirre Y Ledesma, 56 taong gulang, at residente ng Brgy. Switch Tapaz, Capiz.

Nakuha mula kay Aguirre ang apat na sachet na pinaghihinalaang shabu, P1,000 buy bust money at isang cellphone.
Noong 2014 nahuli si Aguirre ng PDEA at walong buwan pa lamang itong nakalaya dahil sa pag-avail ng Plea Bargaining Agreement.
Nasa kustodiya na ng Tapaz MPS at nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz