Connect with us

Aklan News

Ilang bading o transgender na nag-aalok ng panandaliang-aliw sa mga turista sa Boracay, sinita ng pulisya

Published

on

Malay, Aklan – Inimbitahan ng pulisya sa istasyon ng Malay PNP ang 6 na bakla o transgender na nag-aalok ng panandaliang aliw sa mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay kapalit ng pera.

Kinilala ang mga ito sa alyas na Nicole, 24 anyos, Benju, 25 anyos, Sofia, 24 anyos, Arian, 31 anyos, Daniela, 29 anyos, at Marsha, 20 anyos.

Samantala, may dalawa pa silang kasama na tumangging sumama sa imbitasyon ng mga kapulisan.

Ikinasa ng mga kapulisan ang operasyon dakong alas 10:45 kagabi sa front beach ng Station 2, Balabag, Boracay sa pangunguna ni PMAJ Jess Baylon, hepe ng Malay PNP.

Pinaalalahanan ang mga ito na mahigpit na ipinagbabawal sa isla ang pag-aalok ng panandaliang aliw sa mga dayuhan.

Pagkatapos ng ginawang profiling ng mga kapulisan ay agad namang pinauwi ang mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *