Connect with us

Aklan News

PITONG BUWANG BUNTIS NAGPATIWAKAL-PATAY

Published

on

Photo from the web.

Malay, Aklan – NAGBIGTI ang pitong buwang buntis sa loob ng kanilang kwarto sa So. Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island madaling araw kahapon.

Isinugod pa sa ospital ang biktimang si Jinky Sastre Tana, 23 anyos, ngunit idineklarang patay ng doktor sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga.

Ayon sa Malay PNP, mismong live-in partner ng biktima na si Sherwin Bantang ang nakakita sa walang buhay na biktima.

Narekober ng mga otoridad ang plastic rope na ginamit ng biktima sa pagbigti.

Natagpuan din sa pinangyarihan ang isang suicide note na iniwan ng biktima.

Kaugnay nito, tumanggi naman ang pamilya ng biktima na ipa autopsy ang bangkay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *