Connect with us

Aklan News

MANGINGISDA, NATAGPUANG PATAY SA PALAISDAAN

Published

on

New Washington PNP/Photo

New Washington – Patay na nang matagpuan bandang alas 5:00 kaninang umaga sa isang palaisdaan sa District 3, Pinamuk-an, New Washington ang isang mangingisda.

Nakilala ang biktimang si Jeffrey Valencia Arcelon, 40 anyos ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, nakita ng naglalakad na mag-asawang Roberto at Elsa Ablando ang biktima na nakalubog sa palaisdaan kasama ang kanyang motorsiklo.

Patuloy pang iniimbistigahan ang insidente habang nasa isang punerarya na ang bangkay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *