Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUMALPOK SA VAN SUGATAN

Published

on

John Christian Mainit Nandre sugatan matapos aksidenteng sumalpok sa van. | Contributed Photo

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng sumalpok sa van bandang alas 11:35 kaninang tanghali sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang driver ng motorsiklong si John Christian Mainit Nandres, 20 anyos ng Tinigaw, Kalibo at ang driver ng van na si Ely Sespeñe Enerio, 35 anyos ng Antipolo, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo galing sa barangay Caano si Nandres at papunta sana ng crossing Banga.

Nagminor umano ito nang makitang may check point sa harap ng isang gasolinahan, subalit bigla na lamang umano itong humarurot at aksidente itong bumangga sa van na nagkataon namang nag-uturn.

Dahil diyo sumemplang sa kalsada si Nandres at nagtamo ng sugat sa katawan.

Kaagad naman siyang dinala ng MDDRRMO sa provincial hospital para gamutin.

Samantala, kinumpirma naman ni Police Corporal Elvis Francisco ng Kalibo PNP Traffic section na nagka areglo ang ina ng biktima at ang driver nasabing van.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *