Connect with us

Aklan News

AMA SINAKSAK ANG SARILING ANAK!

Published

on

PILAR, Capiz – Sinaksak ng sariling ama ang kanyang anak kagabi sa isang barangay dito.

Nakilala ang biktimang si Genesis Evangelio, 29 taong gulang at nakatira sa Sito Brillantihan, Brgy. Sinamongan, Pilar habang ang suspek sa pananaksak ay walang iba kundi ang sarili niyang ama na nakilalang si Jaime Evangelio, 56 taong gulang at nakatira rin sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Pilar PNP, lumalabas na nag-inuman ang mag-ama. At habang nag-iinuman, nagkaroon ng mainit na diskusyon sa gitna ng mag-ama.

Dahil dito, umakyat ang ama sa kanilang bahay upang lumayo sa anak, subalit sinundan pala siya ng kanyang anak sa itaas.

Sa puntong ito, kumuha na ng bolo ang ama at sinaksak ang anak sa dibdib. Agad namang dinala ang biktima sa Jesus Colmenares Hospital sa karatig bayan ng Balasan bandang alas 11:50 ng gabi ngunit pagdating ng 1:20 ng umaga ay idineklarang patay ni Dr. Brady L. Galo, ang attending physician ng hospital.

Sumuko naman ang suspek sa kanilang Punong Barangay na si Barangay Kapitan Rodolfo Baclas habang ang ginamit na pananaksak ay ibinigay sa pangangalaga ng Pilar Municipal Police Station.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *