Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGTITINDA NG GASOLINA, ARESTADO SA ENTRAPMENT OPERATION

Published

on

Larawan ng mga nakumpiskang gasolina. Contributed Photo

Altavas – Arestado sa entrapment operation ang isang lalaking nagtitinda umano ng gasolina bandang alas 6:00 kahapon ng umaga sa Man-up, Altavas.

Nakilala ang naarestong si Donato Castuciano Baleña, 64 anyos ng nasabing lugar.

Base sa impormasyong nakarating sa Altavas PNP, pasekretong nagbibenta ng gasolina sa mga motorista si Baleña sa kanyang compound tuwing alas 4:00 hanggang alas 6:00 ng umaga upang hindi mahalata, rason na ikinasa ang entrapment operation.

Kaugnay nito, isang poseur buyer ang inatasang bumili ng gasolina gamit ang tatlong pirasong P20.00 kung saan isa rito ang marked money.

Pag-abot nito ng gasolina sa nagkunwaring buyer, kaagad din itong nagpakilalang pulis at inaresto si Baleña.

Kaugnay pa nito, narekober ang mga gasolinang nakalagay sa bote ng mineral, softdrinks at toyo na may kabuuang 227 litro at nagkakahalaga ng P10, 896.00.

Pansamantalang ikinustodiya sa Altavas PNP si Baleña pati na ang mga nakumpiskang gasolina para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nanawagan naman ang Altavas PNP sa mga ilegal na nagbibenta ng gasolina na itigil na ang nasabing gawain.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *