Aklan News
PINSALA SA NAGYARING SUNOG SA KALIBO PUBLIC MARKET, AABOT SA SOBRA P35M -BFP

Published
1 year agoon

Kalibo – Aabot sa sobra P35 milyon ang pinsalang idinulot ng sunog sa Kalibo public market madaling araw nitong linggo.
Ito ang kinumpirma ni BFP Aklan Provincial Dir. Supt. Nazrudyn Cablayan sa pakikipagpanayam ng Radyo Todo sa programang Todo Birada.
Dagdag pa nito na umaabot sa 276 stalls ang nilamon ng apoy at umabot ito sa 3rd alarm dahil sa laki ng apoy.
Una umano silang inalarma alas 12:15 ng madaling araw ng linggo at pagdating nila sa lugar malaki na ang apoy.
Alas 12:26 nagdeklara sila ng 2nd alarm at muli nilang tinaas ang alarma dakong alas 12:30 kung saan kailangan ng mag responde ang lahat ng mga firetruck ng probinsya.
Pasado alas 4 na ng umaga nila idineklarang fire out ang lugar.
You may like
-
Mga siklistang masisiraan ng bisikleta sa daan, may matatakbuhan nang libreng bike repair stations
-
20 NEW CASES NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW
-
MAG LIVE-IN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION
-
DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG
-
LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ABANDONADONG BODEGA
-
WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO