Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO SUMEMPLANG SA KALSADA, DRIVER NAKA-ICU

Published

on

Numancia, Aklan – Naka-confine ngayon sa ICU ng aklan Provincial Hospital ang isang lalaki matapos maaksidente sa motorsiklo kagabi sa kahabaan ng national highway ng Poblacion, Numancia.

Kinilala ang biktimang si Jefferson Aranas Mendoza, 25 anyos, ng Brgy. Pook, Kalibo.

Nangyari ang aksidente dakong alas-9:30 kagabi habang papunta ang biktima sa Kalibo sakay ng kanyang motor.

Subalit nawalan umano ito ng kontrol at dumeretso sa gutter ng kalsada.

Dahil dito nabali ang kaliwang braso at tagiliran ng biktima.

Nabatid na nasa impluwensya ito ng nakalalasing na inumin ng maganap ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *