Connect with us

Aklan News

39 ANYOS NA LALAKI, SUMUGOD-SINAKSAK

Published

on

Malay, Aklan – Nasaksak ang isang lalaki matapos umanong sumugod sa bahay ng suspek dakong alas-6 kagabi sa Brgy. Manocmanoc proper, Boracay, Malay.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Ronald Masna Suganog, 39 anyos, tubong Dingle, Iloilo at ang suspek naman ay kinilalang si Joeffrey Enrique Geñosa na tubong Pandan, Antique.

Ayon sa pulisya, sinugod ng biktima ang suspek na nasa loob ng kanilang bahay at saka sinuntok sa mukha.

Gumanti naman ang suspek at kumuha ng kutsilyo na may habang 11 pulgada at sinaksak ang biktima.

Mabilis na dinala ang biktima sa ospital matapos magtamo ng sugat sa likod habang kaagad namang naaresto ang suspek at dinala sa Malay PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *