Connect with us

Aklan News

2 Motor nagsalpukan, 3 sugatan

Published

on

KALIBO-Tatlo ang sugatan sa aksidente sa motorsiklo mag-aalas 11:00 kagabi sa Osmeña Avenue Estancia, Kalibo.

Nakilala sa ulat ng Kalibo PNP ang mga biktimang sina Cristian Segubia Takenoya, driver ng motor kasama angkas nitong si Juane Lopez Rico, pawang 16 anyos at mga taga Magdalena Village, Andagao, Kalibo, at ang driver naman ng nakabangga sa kanilang motorsiklo na si Roberto Nalaunan nasa legal na edad ng Linabuan Sur, Banga.

Base sa imbestigasyon ng pulis galing Tigayon at patungong Kalibo proper ang dalawa nang aksidente umanong mabangga ng sumusunod sa kanilang si Nalaunan.

Resulta, pareho silang sumemplang sa kalsada at nasugatan.
Kaagad silang binigyan ng pangunang lunas ng rumespondeng MDRRMO Kalibo, subali’t tumanggi umanong sumama sa ospital ang minor de edad, habang ginamot naman doon si Nalaunan.

Sa kabila nito, dinala sa MWCPD ng Kalibo PNP ang dalawa para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *