Connect with us

Aklan News

LALAKI, HINAMPAS NG KAHOY AT TUBO NG MAGKAPATID NA NAUNA NIYANG BINUGBOG

Published

on

Kalibo, Aklan – Duguan ang isang lalaki matapos umanong hampasin ng kahoy at tubo alas 3:50 kaninang madaling araw sa Sitio Ibog, Old Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Gary Dela Cruz Cipriano, 41 anyos, at ang magkapatid na suspek na sina Arjoon Alejandro Teodosio, 24 anyos at Albert Alejandro Teodosio, 34 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, pinagtulungan umanong hampasin ng magkapatid ang biktima, bilang ganti sa pambubogbog umano nito sa kanila bandang alas 12:00 kaninang hatinggabi.

Nabatid na pina blotter ng magkapatid ang biktima matapos umano silang abangan habang papauwi at sinuntok ng una si Arjoon.

Nakita umano ito ng nakakatandang kapatid at inawat si Cipriano, subalit siya naman ang kinuwelyuhan at sinuntok sa mukha.

Inireport nila ito sa Kalibo PNP Station at ang kaso ay ini refer sa Barangay Justice System ng Old Buswang.


Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *