Connect with us

Aklan News

CREW NG PARAW, SINAKSAK

Published

on

Malay, Aklan – Confine ngayon sa ospital ang isang crew ng paraw sailing sa Boracay matapos saksakin mag-aalas 7:00 kagabi sa Sambiray, Malay.

Nakilala ang biktimang si Relan Amar Villanueva, 40 anyos ng Argao, Malay at ang suspek na positibo nitong kinilala na si Eugene Selosa, nasa 30 anyos ang edad ng Roxas, Capiz at kasalukuyang residente ng Sambiray at nagtatrabaho sa cargoes area.

Ayon sa biktima, pauwi na sana siya nang salubungin siya ng suspek sa madilim na eskinita at bigla na lamang sinaksak.

Dahil dito, nagtamo ng isang saksak sa kanang bahagi ng tiyan, kanang braso at kanang dibdib ang biktima.

Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Samantala, naniniwala ang biktima na nag-ugat ang insidente sa posibleng pagselos ng suspek sa biktima dahil lumalapit umano ang live in partner ng suspek sa kanya, rason na dati na rin umano siya nitong binantaang ipadudukot sa kanyang grupo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *