Connect with us

Aklan News

2 KOREAN NATIONAL NALUNOD, 1 PATAY

Published

on

Malay, Aklan – Patay ang isang Korean National habang maswerte namang nailigtas ang kasama nito matapos malunod kahapon sa station 2, Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, alas-4 kahapon nang maligo sa beach front ang biktimang si Sanghoon Lee, 25 anyos, at isa pang kasama nitong si Jin Hyeok Lee.

Inanod umano sila ng malakas na alon sa malalim na bahagi ng dagat na nagging dahilan ng kanilang pagkalunod.

Unang napansin ng mga nakaantabay na life guard ang paghingi ng saklolo ni Jin Hyeok at kaagad itong nasagip.

Kalaunan ay napansin din nila si Sanghoon na mabilis nilang iniahon sa tubig at sinubukan na maagaw sa bingit ng kamatayan subalit nabigo ang mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *