Connect with us

Aklan News

16 ANYOS NA DALAGITA, GINAHASA UMANO NG KAINUMAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Ginahasa umano ng mismong kainuman ang isang 16 anyos na dalagita sa isang bahay sa Andagao, Kalibo kaninang hatinggabi.

Bagama’t patuloy pa ang imbistigasyon, nabatid na nadaanan ng dalawang lalaking naka traysikel ang biktima at kasama nito rason na naihatid sila sa Kalibo PNP Station at nakapagsumbong.

Dahil dito, kaagad ding naaresto ang suspek na si Malcon Salayon, 42 anyos ng Andagao, Kalibo.

Todo-tanggi naman ang suspek sa akusasyon, kahit positibo itong itinuro ng kasama ng biktima.

Sa panayam ng media sa tumatayong witness, sinabi nitong nakarinig siya ng boses na tila nasasaktan, kung kaya’t bumangon ito upang tingnan.

Doon umano niya nakita ang suspek na nakapatong sa biktima sa loob ng kuwarto na walang pinto.

Kaagad niya umanong itinulak ang suspek at dali-daling sinaklolohan ang biktima.

Samantala, nabatid na kasamang nakipag-inuman ang biktima sa suspek at ilan pang barkada bago nangyari ang sinasabing panggagahasa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *