Connect with us

Aklan News

TRAK NA MAY KARGANG MGA CONTAINERS NG GASOLINA, NAHARANG SA CHECK POINT

Published

on

Ibajay – Naharang sa check point ng Ibajay PNP bandang alas 9:50 kaninang umaga sa Poblacion, Ibajay ang isang truck na may kargang 63 container ng gasolina.

Kinilala ni Police Corporal Denmark Tiel ng Ibajay PNP ang driver ng truck na siya rin umanong may-ari ng mga gasolina na si Morito Lacuesta Clataro, 48 anyos ng Centro Norte, Culasi, Antique.

Ayon sa pulis, galing umano sa Makato ang mga gasolina at pabalik na sila sa Culasi nang maharang ng check point.

Pansamantalang ikinustodiya sa Ibajay PNP ang driver at ang mga karga nitong gasolina.

Kaugnay pa nito, kasong paglabag sa PD 1865 ang kakaharapin ng nasabing driver.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *