Connect with us

Aklan News

BIGTIME DRUG PUSHER, ARESTADO SA BORACAY

Published

on

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang bigtime drug pusher matapos mabilhan ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust pasado alas 10 ngayong gabi sa Sitio Lugutan, Manocmanoc, Boracay.

Nakilala ang suspek na si Carlito Fernando, Jr. 31 anyos, Tubong Looc, Romblon, maintenance staff ng isang water company at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Cabanbanan, Manocmanoc.

Narekober sa pag body search sa suspek ang 27 sachet ng suspected shabu na umaabot sa P35,000 ang halaga maliban sa 5 sachets kapalit ng P5,200 na buy-bust money.

Ayon sa suspek, may 6 na araw pa lamang siyang pumasok sa nasabing ilegal na gawain.

Sinabi pa nito na sa Bacolod pa galing ang mga droga na ayon sa kanya ay pang personal lamang niyang gamit.

Nasa kustodiya ngayon ng Malay PNP ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous drug act.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *