Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER, TIKLO SA BUY-BUST

Published

on

Huli sa buy bust operation ang isang construction worker bandang alas 8:00 nitong gabi sa Bulwang, Numancia.

Nakilala ang suspek kay Val Sarabia Bandejas, 22 anyos, isang construction worker at residente ng nasabing lugar.

Narekober mula sa suspek ang 2 sachet ng shabu kapalit ng P8,000.00 na buy-bust money.

Subalit todo-tanggi ang suspek sa akusasyon sa kanya at sinabi nitong hindi siya nagbibenta ng nasabing droga.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Numancia PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *