Connect with us

Aklan News

BABAENG PINAGBABARIL, NAKALIGTAS SA GUNMAN

Published

on

Kalibo, Aklan  – Nakaligtas sa nakaambang kamatayan ang babaeng biktima matapos tambangan at pagbabarilin ng gunman pasado alas 8 nitong umaga sa may Enriquez Rd. Brgy. Estancia, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Rossini Zaldivia Macs, 49 anyos at residente ng nasabing lugar.

Base sa salaysay ng ilan sa nakasaksi, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kapatid palabas ng national highway para pumasok sa paaralan. May nakaabang na umanong isang blue na motorsiklo sa sa daanan sakay ang dalawang lalaki.

Nakita umano nito na pinaputukan ng suspek ng baril ang biktima ngunit hindi ito pumutok. Dahil napansin ito ng biktima, mabilis umano itong tumalon sa irrigation canal at doon nagtago subalit sinundan pa ito ng suspek ng pinaputukan ng dalawang beses at swerteng hindi tinamaan.

Mabilis naman na tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.

Agad na dinala sa isang pribadong ospital ang biktima matapos magtamo ng mga gasgas sa katawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa pagtukoy ng pagkakakilanlan ng mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *