Connect with us

Aklan News

TIYUHIN, TINAGA NG PAMANGKIN

Published

on

Nagtamo ng sugat sa mukha ang isang tiyuhin matapos siyang tagain ng kanyang pamangkin sa Libertad, Antique.

Kinilala ang biktimang si Edgar Saracanlao, 57 anyos at ang kanyang pamangkin na si Anaclito Vargas kapwa mga residente ng Brgy. Paz, Libertad, Antique.

Nangyari ang insidente dakong alas-8 kagabi habang magkasama di umano silang kumakain ng hapunan.

Pinagsabihan umano niya ang kanyang pamangkin subalit nagalit ito at saka siya hinabol ng kutsilyo.

Mabilis naman na nakalayo ang biktima pero hindi niya namalayan na nasundan siya ng suspek at saka tinaga gamit ang itak.

Tinamaan ang biktima sa mukha at patuloy ang kanyang pagpapagaling ngayon sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *