Connect with us

Aklan News

CONVICTED NA NAKALABAS DAHIL SA GCTA, SUMUKO SA MALAY PNP

Published

on

Photo|Web

Malay, Aklan – Boluntaryong isinuko ng isang ex-convict na nakalaya dahil sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sarili sa Malay PNP.

Iprinisinta ni Eduardo Marinduque Caballes, 51 anyos na tubong Guadalupe, Cebu City ang kanyang sarili matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay ikukunsidera nang pugante kapag hindi sumuko sa loob ng 15 araw.

Nasintensyaha si Caballes ng dalawang reclusion perpetua dahil sa dalawa kaso ng rape.

Aniya, sumuko siya para patunayang handa siyang harapin muli kung ano man ang magiging desisyon sa kanyang kaso.

Sa kabila nito ay umaasa pa umano siya na mabibigyan sila ng pagkakataon na makapagbagong buhay.

“Isa lang naman ang hinihiling ko sa ating president na sana bigyan naman niya kami ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kahit papano aman napagdusahan ko naman ang ginawa kong kasalanan sa mahabang panahon,” saad ni Caballes.

Nabatid na 19 na taong gulang palang siya ng makulong at kakalaya lamang niya nitong August 6, 2019 makaraang mabigyan ng GCTA.

Sa kasalukuyan ay namumuhay sya at nagtatrabaho sa construction projects sa Malay.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *