Connect with us

Aklan News

BATA, NAIWAN SA NAKAKANDADONG SASAKYAN

Published

on

Kalibo, Aklan – INIWAN ng nanay ang isang taong gulang na bata sa loob ng kotse at aksidenteng nalock ng bata ang pinto kung saan nasa loob ang susi.

Nangyari ang isindente sa Brgy. Tigayon, bandang alas 6 ng gabi kanina.

Dahil dito ay umuwi diumano ang nanay sa bahay nito para kunin ang duplicate ng susi ngunit halos isang oras na ang nakaraan ay hindi pa ito nakakabalik.

Napansin ng mga tao ang bata na iyak ng iyak sa loob ng umaandar na sasakyan.

Tumawag sila ng pulis at rumesponde kasama ang MDRRMO personnel.

Ipinilit nilang buksan ang pinto hanggang sa nagtagumpay na makuha ang bata at agad dinala sa isang pribadong ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *