Connect with us

Aklan News

AMAIN BINUGBOG NG STEPSON DAHIL SA LAMOK

Published

on

Batan, Aklan – Nagtamo ng black eye at sakit sa katawan ang isang lalaki matapos bugbugin ng kanyang stepson dahil sa lamok.

Kinilala ang biktimang si Ronie Edao, 52 anyos, at ang kanyang stepson na si Rogelio Reyes, kapwa mga residente ng Palay, Batan, Aklan.

Kwento ng biktima, nangyari ang pambubugbog sa loob ng kanilang bahay dakong alas-8 kagabi habang gumagawa siya ng walis.

Sa dami di umano ng lamok ay napamura ito at narinig ng kanyang lasing na stepson.

Dito na nagalit ang kanyang stepson at dali-dali siyang binugbog sa pag-aakalang siya ang minumura nito.

Agad namang dinala ang biktima sa ospital dahil sa tinamong pinsala.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *