Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL NABANGGA NG TRAK NG MDRRMO, 3 SUGATAN

Published

on

Balete – Tatlo ang sugatan matapos mabangga ng dump truck ng MDRRMO Batan ang isang traysikel alas 12:45 ng tanghali kanina sa Sitio Bang-bang, Calizo, Balete.

Kinilala ni Police Corporal Arjorine D.Mendoza ng Balete PNP ang mga biktimang sina Leo Zaballero Casas, 28 anyos ng Sitio Sauragan, Calizo, Balete at mag-amang Jose Pioquid Pelayo Jr., 48 anyos at Josh Miguel Benadero Pelayo, 7 taong gulang ng Sitio Agupanga, Feliciano, Balete.

Nakilala rin ang driver ng dump truck na si Merbin Balasa Placer, 58 anyos ng Poblacion, Batan.

Base sa imbestigasyon ng pulis, parehong papunta sa direksyon ng Poblacion, Balete ang traysikel at dump truck nang huminto umano ang traysikel para pasakayin ang isa pa nilang kasama na nagpipituntura sa kalsada, subalit aksidente naman silang nabangga sa likod ng sumusunod na dump truck.

Resulta, bumaligtad ang traysikel na siyang ikinasugat ng mga biktima.

Kaagad dinala sa isang pribadong ospital ang tatlo, habang dinala pansamantala sa Balete PNP Station ang driver ng truck.

Samantala, sinabi pa ni Mendoza na pinalaya naman kinalaunan sa kanilang kostodiya ang driver matapos makipagkasundo sa pamilya ng mga biktima, habang naiwan pansamantala sa estasyon ng pulis ang traysikel at dump truck.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *