Connect with us

Aklan News

DATING MGA DRUG SURRENDERER BALIK KULUNGAN MATAPOS MA BUY-BUST!

Published

on

ROXAS CITY – Balik kulungan ang dalawang dating drug surrenderer matapos nahuling muling nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa Brgy. Lawaan dito sa lungsod ng Roxas kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina James Michael Facto y Arceño, 39 taong gulang at residente ng Brgy. Bolo, Roxas City at Mark Anthony Candig y Rufo, 34 taong gulang at residente ng Brgy. Adlawan, Roxas City.

Nakuha sa mga suspek ang 4 na pakete ng hinihinalaang shabu na may market value na 20,000.00 pesos, isang cellphone at limang daang piso (P500.00) na marked money.

Matandaan na dati nang nakulong si Falco pero nakalaya ito dahil sa plea bargaining agreement. Samantalang si Candig naman ay dati ring sangkot sa krimen dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 apat na taon na ang nakalipas.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Program/Beat: TODO Komentaryo Years/background in Media works: 27 yearsWhy chose this profession: IT’S MY PASSION. Principle in life: EVERYTHING CAN BE LEARNED. CONTINUE LEARNING WHILE STILL LIVING.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *