Connect with us

Aklan News

CHINESE NAMATO NG YOSI SA OTORIDAD, KULONG

Published

on

Photo|Malay PS Masaligan

Boracay Island – Nahaharap sa kasong Direct Assault upon Agent of Authority ang isang Chinese national makaraang manlaban at mambato ng upos ng sigarilyo sa mukha ng isang enforcer sa Boracay.

Nakilala ang suspek na si Dennis Chong, 50 anyos, mula sa HongKong, at may-ari ng isang travelling agency sa isla.

Ayon sa Malay PNP, nakita di umano ng isang miyembro ng Municipal Auxiliary Police (MAP) ang suspek na naninigarilyo sa pampublikong lugar kaya’t kanya itong sinita subalit nagalit ito at binato sa kanyang mukha ang upos ng sigarilyo.

Dihil dito ay ikinustodiya si Chong sa Malay PNP.

Mababatid na mahigpit na ipinagbabawal sa isla ang paninigarilyo sa pampublikong lugar pati na ang pagtatapon ng basura.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *