Connect with us

Aklan News

73 ANYOS NA BABAENG BALO, NABUDOL-BUDOL NG P46K NA PERA AT MGA ALAHAS

Published

on

Isang 73 anyos na lola ang nabiktima ng “budol-budol” pasado alas 2:00 nitong hapon sa Pob. Kalibo.

Base sa salaysay ng biktima sa pulis, bandang alas 11:30 umano kaninang tanghali sa isang tindahan ng tinapay nang may lumapit sa kanyang di kilalang lalaki na nasa edad 40.

Kinumusta umano siya nito at niyaya sa kotseng dark red na Toyota Vios dahil may ibibigay umano ito sa kanyang pabango dahil kakababa lamang nito sa barko.

Sinabi pa umano ng suspek na magkaibigan sila ng anak niyang lalaki.

Samantala, habang nasa loob ng kotse, kinausap din umano siya ng dalawa pang babae doon kung saan isa sa mga ito ang nag-utos na ipasok niya ang kanyang gold ring, P46, 000.00 na pera, relo at gold earrings sa kanilang bag.

Pinahawakan din umano sa kanya ang nasabing bag na naglalaman umano ng P300,000.00 na pera hanggang bumaba siya sa crossing Libtong, Estancia.

Kinalaunan, nagtaka na lamang umano ang biktima pati na ang kanyang pamilya sa hawak niyang bag.

Binuksan umano nila ang bag at doon natuklasang naka bundle na notebook pala ang laman nito.

Pinablotter nila ang insidente na patuloy namang iniimbistigahan ng theft and robbery section ng Kalibo PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *