Connect with us

Aklan News

2 MAGPINSAN, SINAKSAK SA HANDAAN

Published

on

Kritikal ngayon ang kalagayan ng isang lalaki at sugatan naman ang kanyang pinsan matapos saksakin ng nakainuman sa Brgy. Luguhon, Madalag kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Eljohn Verano Quiling, 22 anyos at Lenard Carlo Ycay, 24 anyos, kapwa residente ng Rosal, Libacao.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Dashel Marcelo Nabor, 29 anyos na taga Poblacion Madalag, Aklan.

Ayon kay Ycay, sinita siya ng suspek kaya’t sinuntok niya ito.

Gumanti naman ang suspek na kumuha ng kutsilyo at sinanaksak silang magpinsan.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa ospital dahil sa tinamong mga sugat.

Nakatakdang ipasailalim ngayon sa operasyon si Eljohn matapos magtamo ng tama sa kanang bahagi ng tagiliran

Samantala, patuloy din na nagpapagaling si Ycay dahil sa tinamong sugat sa likod.

Via|Pablito Cabesilla

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *