Connect with us

Aklan News

11 ANYOS NA BATA PANIBAGONG KASWALIDAD SA DENGUE

Published

on

Kalibo – Patay ang isang 11 anyos na bata matapos tamaan ng sakit na dengue sa bayan ng Malay.

Ang biktimang si Tressha Mae Torres ng Brgy. Caticlan, Malay na ang ika-21 namatay sa dengue sa probinsya.

Nabatid na kagabi lang ito inilipat sa DRSTMH mula sa Motag Hospital sa Malay at binawian ng buhay dakong alas-2 nitong hapon.

Sa tala ng Provincial Health Office Aklan, umaabot na sa 4980 ang kabuuang kaso ng dengue sa Aklan mula noong Enero hanggang Agosto 31.

Maliban sa sakit na dengue, tinututukan din nila ang iba pang mga sakit gaya ng measles-rubella, at influenza.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *