Connect with us

Aklan News

SINASABING POLICE ASSET HULI SA BUY BUST OPERATION!

Published

on

TAPAZ, CAPIZ – Huli sa buy bust operation ng pinagsanib pwersa ng Tapaz Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang nagsasabing asset ng isang mataas na opisyal ng PNP bandang a las otso ng Byernes ng gabi.

Timbog sa mga otoridad si Joan Glomalid, 38 taong gulang, isang tindera ng lechon manok at residente ng Brgy. Poblacion, Tapaz, Capiz.

Habang nagtitinda ng kanyang paninda ang suspect, nagkasa ng buy bust operation ang mga otoridad. Nakuha sa suspetsado ang apat (4) na sachet ng pinaniniwalaang shabu, P1,000 na marked money naginamit sa pagbili sa suspetsado, isang cellphone at envelop kung saan nakalagay ang mga pinaghihinalaang iligal na droga.

Nang tanungin ng media kung bakit siya pumasok sa ganitong kalakalan, sinabi nito na siya’y isang asset ng isang mataas na opisyal ng PNP na dating kasaping Regional Special Operation Group (RSOG).

Todo tanggi ang suspetsado na siya’y nagbebenta ng ipinagbabawal na droga ngunit ayon sa mga otoridad na matagal na siyang minamanmanan ngunit noong Byernes lamang siya na tyempuhan. Isinailalim sa drug testing ang suspetsado at ang mga hinihinalaang bawal na gamot sa PNP Crime Laboratory na nagging positibo naman ang resulta.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *