Aklan News
8 COMMERCIAL STALLS, NASUNOG

Published
1 year agoon

8 COMMERCIAL STALLS, NASUNOG
By: Malbert Dalida
Batan – Nilamon ng apoy ang 8 commercial stalls ala 1:25 kaninang madaling araw sa Sitio Minoro, Camaligan, Batan.
Ayon kay SFO1 Templo Panado Jr. ng BFP Altavas, 6 sa nasabing tindahan ang tuluyang naabo at 2 ang bahagyang nasunog.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang ihawan ng barbeque .
Kinilala ang mga nagmamay-ari ng mga stalls na nasunog na sina Altea Tung, Modesto R. Abayon Jr., Maribel Iyu, isang nakilala lamang sa pangalang Jiji at Helen, Ryan Trance na siya rin mismong may-ari ng lupang inuupahan ng mga tenants, at Gloria Dela Cruz.
Pawang gawa sa mixed materials ang mga nasabing stalls kasama na ang isang water refilling station
Tinatayang umaabot sa P150,000.00 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog na umabot sa 2nd alarm.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang sanhi ng sunog.
You may like
-
“WALA SUGA DAW KUWEBA”; DATING MADILIM NA LUGAR NG ATI COMMUNITY, NGAYON INILAWAN NA, SA TULONG NG I-KONEK NG MORE POWER
-
SUSPEK NA NAGDALA NG PANDESAL NA MAY BALA SA ISTASYON NG RADYO TODO, NATUNTON AT NAKILALA NA
-
LALAKING NAGBARIL UMANO SA SARILI, PATAY
-
‘NO VACCINE, NO WORK POLICY’ ILLEGAL AYON SA DOLE
-
MISTER KINATAY ANG BAGONG PANGANAK NA MISIS
-
30-anyos na lalaki pinagtataga-patay sa bayan ng Dumalag