Connect with us

Aklan News

PICK-UP NA MAY KARGANG 37 CONTAINER NA GASOLINA, HULI SA CHECK POINT

Published

on

EXCLUSIVE!

PICK-UP NA MAY KARGANG 37 CONTAINER NA GASOLINA, HULI SA CHECK POINT
By: Malbert Dalida

Altavas – Huli sa check point ng Altavas PNP ang isang pick up na may kargang 37 container ng gasolina at 2 container ng krudo alas 10:20 kaninang umaga sa highway ng Odiong, Altavas.

Nakilala ang may-ari ng nasabing pick up na si MeloJean Ducay Rustro, 45 anyos at ang driver nitong si Jodinar Niño Ybañez Jaco, 31 anyos at pawang mga taga Aranas, Balete.

Ayon kay Melojean, galing sila ng Aranas at bumili ng gasolina sa isang gasoline station, subalit hinuli umano sila sa check point nang pauwi na sila sa Aranas.

Dahil dito, nasa kustodiya sila ngayon ng Altavas PNP pati na ang pick up, gasolina at krudo.

Nagkakahalaga ng P34, 783.00 ang mga nasabing produktong petrolyo na may kabuuang 780 litro.

Kasong paglabag sa Section 1(a) ng PD 1865 ang inihahanda ng Altavas PNP sa dalawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *