Connect with us

Aklan News

MAG-ASAWA AT 3 GULANG NA ANAK, SUGATAN SA AKSIDENTE

Published

on

MAG-ASAWA AT 3 GULANG NA ANAK, SUGATAN SA AKSIDENTE
By: Malbert Dalida

Tangalan – Isinugod sa ospital ang mag-asawa at 3 taong gulang nilang anak na babae matapos maaksidente alas 8:45 kagabi sa Tondog, Tangalan.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Peryll Antaran ng Tangalan PNP ang mag-asawang biktima na sina Roderick Castillo, 34 anyos at Valentina Castillo, sa legal na edad ng Silacat Nonok, Lezo.

Nakilala rin ang nakasagi sa kanilang driver ng motorsiklo na si Fredan Remetio Tibobos, 30 anyos ng Agbago, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng pulis, galing sa isang handaan ang pamilya at nakasabayan papuntang Kalibo si Tibobos nang mag-overtake umano sa kanila ang huli.

Subalit nasagi umano ni Tibobos ang kanilang manobila, dahilan upang sumemplang ang mga ito sa kalsada.

Ayon pa kay Antaran, minarapat umanong magpa confine sa ospital ng nasabing mag-anak kahit hindi naman umano malubha ang kanilang sugat.

Pansamantala namang ikinustodiya ng Tangalan PNP si Tibobos kagabi subalit na release din nitong umaga dahil sa inisyal na kasunduan nila ng mga biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *