Connect with us

Aklan News

DALAWA, SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO

Published

on

DALAWA, SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO
By: Malbert Dalida

Lezo – Dalawa ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo alas 6:30 kagabi sa Sta. Cruz, Bigaa, Lezo.

Kinilala ni Police Executive Master Sergeant Elmer Sardon ng Lezo PNP ang mga biktimang sina Mark Ronin Isuga Arboleda, 29 anyos ng Talipapa-Pook, Kalibo at Girley Alarcon Agustin, 46 anyos ng Kinalangay Viejo, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagmomotorsiklo galing Malinao at papuntang Kalibo si Arboleda kasama ang 4 na taong gulang nitong pamangkin nang mag-overtake umano ito sa isang multicab.

Subalit aksidente umano itong nakabanggaan ang nagmomotorsiklo ring si Bustamante, rason na pareho silang sumemplang sa kalsada at ngtamo ng pinsala sa katawan at ulo.

Pareho silang dinala sa ospital kasama na ang bata na nagtamo rin ng mga gasgas sa katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *