Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, ARESTADO

Published

on

Arestado dakong alas 10:20 umaga kahapon sa Tabon, Batan ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa.

Kinilala ng Batan PNP ang akusadong si Val Bucayan Panado, 36 anyos ng Ambulong, Batan.

Isinilbi ng Batan PNP kay Panado ang warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge Branch 3, Kalibo, Aklan nitong nakaraang Agosto 28, 2019.

Nakatakdang iharap sa nasabing korte sa Lunes ang akusado na pansamantalang nasa kostodiya ng Batan PNP.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *