Connect with us

Aklan News

BAHAY NA YARI SA LIGHT MATERIALS, SINADYANG SINUNOG!

Published

on

Roxas City – Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Sitio Mangga, Barangay Cagay, Roxas City.

Halos abo na lang ang natira sa bahay ni Marcelino Adonis matapos sunogin mismo ng kanyang anak na si Ramar Adonis 37- years old at may sakit sa pag-iisip.

Ayon kay Roxas City Acting Fire Marshall Senior Inspector Stephen Jardeleza. Nakatanggap sila ng impormasyon na may nasunog sa nasabing lugar at mabilis naman nila itong nirespondehan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City Acting Fire Marshall, na nanggaling ang apoy sa sala ng bahay nang pamilya Adonis.  

Naniniwala si Adonis na posibleng nagalit ang anak dahil hindi ito binigyan ng perang pandagdag pambili ng alak, dahilan para sunogin ang kanilang bahay.

Sa ngayon iniimbestigahan pa ang posibilidad ng sadyang pagsunog ng suspek sa kanilang bahay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *