Connect with us

Aklan News

SEKYU, NAGPAPUTOK NG BARIL DAHIL PINATIGIL SA PAG-VIDEOKE

Published

on

Photo|Malay PNP

Boracay Island – Isang security guard ang inaresto dahil sa ilang beses na pagpapaputok ng baril miyerkules ng gabi sa Sitio Lugutan, Manocmanoc, Malay.

Ang suspek ay kinilalang si Marven Oleo Esteves, 32 anyos, tubong Angas, Batan at pansamantalang nakatira sa kanyang boarding house sa Sito Lugutan, Manocmanoc, Malay.

Ayon sa Boracay PNP, nagalit ang sekyu sa kanyang landlord na si Arnoldo Arizala, matapos umano nitong ipatigil ang kanilang pag-videoke dakong alas 10:30 kagabi.

Dahil dito kumuha ang suspek ng baril at ilang beses na nagpaputok. Mabilis naman na rumesponde ang mga pulis at dinampot ang suspek.

Posibleng maharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Act.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *